Langit, lupa, impyerno.

Im-im-impyerno.

Saksak puso tulo ang dugo.

Patay, buhay.

Maalis kana diyaan!

 

Ewan ko ba kung bakit, ako lang ba? Ako lang ba ang may pakiramdam na parang may sa-demonyo tong laro? Sa awit pa lang e. Analyze natin. Ibebreak down ko para sa inyo.

Langit lupa impyerno.~ 

Sa awit ay binabanggit ang lahat ng lugar na maaring puntahan ng isang tao.
Destinasyon.
Sa langit ang mabubuti, sa lupa ang kasalukuyang pamumuhay at impyerno sa mga masasamang tao kung saan dito nakatira si Hitler.

Ang larong ito ay binubuo ng mga bata na nakapabilog. Ang pagbuo ng grupong naka pabilog ay nangangahulugang may meeting o pagtawag.
At taga saan naman ang tinatawag nila?

Im-im-impyerno.~

Tiga Im-im-impyerno.. (sabay buduts 2018).
Taga Impyerno! Mga mamamatay tao! Nakikipag meeting sila sa mga masasamang espiritu!
Ang nais lang ng mga bata ay mag laro at mag saya. Ngunit hindi nila alam ang tunay na kwento ng kanilang nilalaro.

Saksak puso tulo ang dugo.~

Masayang naghahabulan sina Joseph, Marco, Elias at Berta. Sa sobrang likot ng mga bata ay nagtatatalon sa sobrang taranta ang mga manok na alaga nila Aling Mameng sa kanilang bakuran..

“Taya!” sigaw ng napakasayang si Joseph.

“Hala damit lang yun! Damit!” reklamo naman ni Berta na mabagal tumakbo.

“Edi ayan! Taya!” Sinaksak sa puso ni Joseph si Berta ng hindi nila namamalayan.

Parang pag-ibig.. Charot

Nagpapatayan sila gamit ang salitang “Taya!” na ang ibig sabihin ay sasak puso.
Oo, saksak puso. Kahit sa likod ka tinaya saksak puso parin yon. Typical na eksena kung saan tumatakbo ang biktima at humahabol naman ang suspect.  Hindi lang sila masasaksak sa puso pag nasa langit na sila.

Kaya ang tendency ang option mo ay dalawa lang. It’s either ikaw ay..

Patay, buhay.~

Patay o buhay ka. Yan ang hidden message ng laro. Parang naglalaro lang kayo tapos nagpapatayan na pala. Hindi ba’t sa-demonyo yon? Grabe no. Kaya ako bilang blogger nag iingat talaga ako. Siguro kung patuloy na ganito yung content ng blog ko literal na mawawala ako sa sobrang nonsense puta hahahahahahahaha literal na.

Maalis ka na diyaan!~

Advertisements